Sa ICRI Orphanage na halos lumaki at nagkaisip si Baleleng (Che Che Sta Ana). Isang gabi ay nakita nito ang isang bituing pumaimbulog mula sa langit at ang tangi niyang kahilingan ay ang matagpuan ang tunay nitong pamilya. Samantala, nakita din ni Gungadina, ang Reyna Ng Kadiliman (Charito Solis) ang nasabing bituin. Katulong ang mga alalay nitong sina John (Lou Veloso) at Marsha (Manny Castaneda) ay naghasik ito ng lagim sa buong bayan. Dahilan sa napipintong pagdating ng mga kampon ng kadiliman ay tumakas si Baleleng sa bahay ampunan at habang hinahabol ng mga zombies ay nahulog ito sa tulay at nalunod sa ilog.
--- Embedded Video Only ---
--- SUBUKAN ANG VIDEO SA BABA KUNG HINDI GUMANA ---